Aklan News
Biyahe ng eroplano mula Metro Manila, sinuspende ni Aklan Gov. Miraflores
Pansamantalang sinuspende ni Aklan Governor Florencio Miraflores ang biyahe ng eroplano mula Metro Manila matapos itong isailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) at mapabilang sa high risk area ng COVID-19.
Dahil dito, bawal na ang pagpasok ng mga Authorized Person Outside Residence (APORs) at Locally Stranded Individuals (LSIs) na mula sa high risk areas sa lahat ng port sa Aklan maliban na lang kung may arrangement sa national government.
Samantala, papayagang makapasok ang mga LSIs at APOR mula sa moderate at low risk areas kapag nakumpleto nila ang mga dokumento na hinihingi ng provincial government.
Agad na ipatutupad ang pagsuspende ng mga commercial flights mula sa nasabing lugar sa Kalibo International Airport at Caticlan Airport.