Connect with us

Aklan News

Biyahe ng mga commercial at cargo vessels planong ibalik sa Dumaguit port

Published

on

PLANONG IBALIK ng Aklan Provincial Government ang biyahe ng mga commercial at cargo vessels sa Dumaguit Port mula sa Caticlan Jetty Port.

Ito ang inihayag ni Gov. Joen Miraflores kasabay ng isinagawang ground breaking ceremony ng Dumaguit Port Expansion Program nitong Sabado.

Ayon sa gobernador, malaking tulong ito hindi lamang para sa mga mamamayan ng New Washington kundi pati sa buong lalawigan ng Aklan.

“Nagapati gid kami nga kung ma-develop it uman ra hay maka-benepisyo gid bukon eang it ro taga-New Washington kundi ro bilog nga probinsiya it Aklan.”

Saad pa ni Miraflores, ang Dumaguit port ang tutulong sa pagpapalakas ng ekonomiya ng probinsiya.

Malaki din aniya ang maitutulong nito sa lahat ng sektor ng pamahalaan.

“[…] dahil gabalik ro ekonomiya, mabaskog nga ekonomiya nga daea ngara it port ag makabulig sa tanan-tanan nga sektor iya sa aton nga probinsiya.

Nangako din si Gov. Miraflores na tutulong siya sa pagkumbinsi ng mga negosyante upang maibalik sa dati ang operasyon ng Dumaguit port.