Aklan News
Biyahe ng mga LSI sa Aklan, nananatiling suspendido – RIATF
Nananatiling suspendido ang biyahe ng mga Locally Stranded Individual (LSI) sa Aklan at Capiz ayon sa pinakabagong advisory ng Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) ngayong Miyerkoles.
Kaugnay nito, binawi naman ng IATF ang temporary suspension ng mga inbound travels sa ilang lugar sa Western Visayas gaya ng Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, Antique at Iloilo City base sa Resolution No. 71, Series of 2020 kaninang umaga.
Bagamat sarado ay dapat na buksan at payagan ng Aklan, Capiz at Bacolod City ang mga LSIs mula sa ibang probinsya na dadaan sa mga port nito para makauwi basta’t may hawak na kumpletong dokumento.
Inuutusan din ng RIATF ang mga LGUs sa Western Visayas na magsisimula na muling tumanggap ng biyahe na asikasuhin ang pagtanggap ng mga LSIs na darating.
Lahat ng mga LGU advisories at executive orders na hindi naaayon sa mga inilalabas na advisory ng RIATF, RITF, NIATF at NTF ay pawawalang bisa o agad dapat na amyendahan.