Aklan News
BIYAHE NG SOUTHWEST SA KALIBO-ALTAVAS/CATICLAN VICE VERSA, UMARANGKADA NA
NAGSIMULA na kaninang alas-6 ng umaga ang biyahe ng mga Southwest tours at Ceres liners na may rutang Kalibo to Altavas at Kalibo to Caticlan vice versa.
Ayon kay Provincial Administrator Atty. Selwyn Ibarreta, marami sa mga empleyado ang hirap parin sa pagpasok sa kani-kanilang mga opisina dahil sa limitadong transportasyon.
Nagsulat umano ang Southwest tours sa Provincial Government at nag-apply ng special permit sa LTFRB para payagang makabiyahe sa naturang ruta upang makatulong sa pagbibigay transportasyon sa publiko.
Dahil dito, balik biyahe na sila simula ngayong araw ng Lunes.
Bukas aniya ang Mabini terminal para sa mga pasahero papuntang Altavas at Caticlan.
Mahigpit pa rin na ipinapatupad ang social distancing sa lahat ng uri ng pampublikong sasakyan ngayong nasa ilalim ng General Community Quarantine ang probinsya ng Aklan.
Kaugnay nito, patuloy ang pagbabantay ng mga miyembro ng Land Transportation Office sa mga kalsada kung nasusunod ang guidelines ng Department of Transportation (DOTr).