Connect with us

Aklan News

BJMP Aklan, nakamonitor sa kalusugan ng mga PDL ngayong tag-init

Published

on

MINOMONITOR ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Aklan ang kalusugan ng bawat Person’s Deprived of Liberty (PDL) lalo na ngayong panahon ng tag-init.

Ayon kay Jail Inspector Rolyn Malolos, minomonitor ng kanilang jail nurse kung sino sa mga PDL ang may sakit na hypertension, may iniinom na maintenance at ang mga may edad na.

Aniya ang mga ito ang madaling tamaan ng sakit kung kaya’t nais nilang masiguro ang kanilang kalusugan.

“So far sa makaron hay ginapahauman man naton ro aton ngara nga tiempo nga mainit dahil prone sanda ron sa mga masakit. So ginamonitor ut aton nga jail nurse kung sin-o ro may mga hypertension, may mga maintenance kapin ro may mga edad eon,” pahayag ni Malolos.