Aklan News
Board member Neron, magbibigay ng P20K na pabuya sa makapagtuturo sa suspek na bumaril-patay sa isang senior citizen sa Brgy. Polocate, Banga
Naglaan ng P20,000 na pabuya si Aklan Sangguniang Panlalawigan member Nemesio Neron sa makapagtuturo sa salarin na pumaslang sa isang senior citizen sa barangay Polocate, Banga.
Matatandaang binaril-patay si Armando “Bonjing” Gumban, 67-anyos na lolo sa labas mismo ng kanyang bahay nitong Setyembre a-23.
Ayon kay Neron, nakakakilabot ang pagpatay sa biktima dahil wala itong kalaban-laban ng mangyari ang krimen.
Saad pa ni Neron, sa harapan pa mismo ng kanyang pamamahay ito pinagbabaril na siyang ikinamatay nito.
“Ginakasubo naton ro makangieidlis nga pagpatay ngara kay Armando Gumban alyas “Bonjing” ku Sitio Minoro, Barangay Polocate, Banga, Aklan katong Setyembre 23 (Friday), alas-6:15. Ro pagpatay abi kara hay mahamabe naton nga makangieidlis. Why? Because in the first place, armless baea. Owa it kalaban-laban rong tawo. Owat kasukoe-sukoe rong tawo, senior citizen pa.Ro pagpatay pa hay sa atubangan pa it anang daywa ka mga apo nga mga minor nga mga babae,” pahayag ni Neron.
Dagdag pa nito, “ The killing is mahambae naton nga done deliberately. Ngani ginakasubo naton da nga nga bagay ngara nga may mga tawo riya sa aton nga probinsiya it Aklan. Inspite of the fact nga kitang mga Akeanon ngara hay peace-loving people.”
Dahil dito, naglaan ng pabuya ang opisyal sa kung sino man ang makapagtuturo o may impormasyon tungkol sa salarin ng krimen.
“Ako on my part, out of my personal money, out of my own pocket, I am offering P20,000. Hopefully nga madugangan agod dato hay matawan it hustisya and that is one way of encouraging also ro mga witnesses nga magaturo baea nga indeed those are the perpetrators of this heinous crime.”
Samantala, hinikayat din ni Neron ang publiko na makipagtulungan upang mabigyan na ng hustiya ang pagkamatay ng biktima.