Aklan News
Boarder, nag-amok matapos sawayin dahil sa maingay na motorsiklo


PANSAMANTALANG IKINUSTODIYA sa Kalibo Municipal Police ang isang boarder matapos na nag-amok nang sawayin dahil sa maingay nitong motorsiklo, bandang ala-7:00 nitong gabi ng Martes, Hunyo 24.
Ang boarder ay kinilalang si Carlito, 44-anyos, tubong Morales, Balete pero pansamantalang nanunuluyan sa Oyo Torong St., Poblacion, Kalibo.
Sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, umuwi kanyang tinutuluyan sa lugar ang lasing na boarder.
Sinaway lang umano ito ng kanyang kapitbahay dahil sa maingay nitong motorsiklo.
Nagalit ang boarder at kumuha pa ng gulok na aktong mananaga.
Nirespondehan naman ito ng kapulisan at ikinustodiya ang boarder sa Kalibo Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.| Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading