Connect with us

Aklan News

BOARDING HOUSE, NATUPOK

Published

on

Image|Sheng Pinos Zapico

Wala nang mapapakinabangan at tanging sunog na mga gamit ang natira sa isang boarding house sa Brgy. Andagao, Kalibo matapos masunog 11:35 kagabi.

Ito ay pagmamay-ari ni Florencio Teodosio, 77 anyos residente ng nasabing lugar.

Gawa sa light materials ang nasabing boarding house na may apat na kwarto kung saan dalawang kwarto rito ang may nangungupahan.

Sinasabing nagsimula ang apoy sa kwarto ng mag asawang Hector Arboleda at Josie Arboleda.

Nalaman pa na ang mag asawa ay wala sa kanilang kwarto dahil nagpapagamot umano ito sa Maynila.

Samantala bago nag simula ang sunog may naamoy di umano ang isang boarder na si certain Niña Joy, 25 anyos na parang may nasusunog ngunit hindi nya ito pinansin.

Makalipas ang ilang minuto may nakita na lamang itong apoy na nangagaling sa kwarto ng mag-asawang Arboleda.

Humingi ito ng tulong sa mga kapitbahay para maapula ang apoy ngunit mabilis itong kumalat.

Nagtulungan pa ang mga residente ngunit Hindi rin naapula.

Sa pagdating ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Kalibo Pnp ay sunog na ang debesyon ng nasabing boarding house.

Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon kung saan o ano ang rason ng pagkasunog ng boarding house.