Connect with us

Aklan News

Boarding house sa IIbajay, niransak ng kawatan

Published

on

Sira ang lock ng isang kwarto sa boarding house sa Polo, Ibajay matapos pasukin ng hindi pa nakikilalang kawatan.

Nagpost sa Facebook ang may-ari para magbigay ng babala sa iba at paalala kaugnay sa mga akyat bahay o magnanakaw na nagsisimula na namang mambiktima.

“Be aware kita tanan guys may mga akyat bahay na naman lalo dito sa boardinghouse namin, @ Polo, Ibajay, Aklan. Nakabringka na ang lock sa room ko pero ang maindoor walang bakas. Hope na Nakabulig man kunta kana kung pagkaon ana ging bakal mabusog imaw pero kung pang “hithit” na lang, sana masunog baga mo at mabulunan ka. Diyos na ang bahala sa iyo.Hope na enjoy mo ang kinuha mo🙏🙏🙏🙏”

Ayon pa rito, wala umanong tao roon simula noong gabi ng Sabado at Lunes na sila ng hapon bumalik sa boarding house.

Hindi naman umano nahalungkat ang kanilang mga gamit sa loob ngunit nakuha ang perang nakalagay sa kaniyang wallet na ipinatong sa lagayan ng damit.

Hinala ng biktima at ng landlady na sa terrace dumaan ang kawatan dahil walang bakas ng sapilitang pagbukas sa kanilang main door.

Hindi pa umano naiparecord sa Ibajay PNP ang insidente dahil inuna umano nila na magpablotter sa baranggay.