Aklan News
BODEGA NG MGA KAHOY, NASUNOG
New Washington – Nasunog ang isang bodega ng mga kahoy sa Sitio Sentro, Polo New Washington, bandang alas 5:50 kaninang hapon.
Ayon sa Bureau of Fire New Washington, gawa sa light materials ang nasunog na bodega ni Edna Andrade, kung kaya’t mabilis na tinupok ng apoy ang mga nakatagong kahoy doon, maging ang kanilang incubator ng manok, kasama ang mga mesa at upuan.
Sa tulong ng mga residente sa lugar, mabilis namang naapula ng mga bombero ang apoy, at hindi na kumalat pa.
Mapalad namang walang nasaktan sa nasabing sunog na nag-iwan ng nasa P20,000.00 na halaga ng pinsala.
Bagama’t nagpapatuloy pa ang imbistigasyon, tinitingnan naman ng mga bombero ang posibilidad na nagmula ang apoy sa nag-short na linya ng kuryente ng nasabing bodega.