Connect with us

Aklan News

Bomb blast simulation, ikinasa bilang paghahanda sa Ati-Atihan 2024

Published

on

Maaga pa nagkasa ng bomb explosion simulation exercise (SIMEX) ang mga kapulisan bilang bahagi ng paghahanda sa Kalibo Sto. Niño Ati-atihan Festival 2024.

Ayon kay PMAJ. Bryan Alamo, Task Unit Venue Commander ng Task Force Ati-Atihan, maraming scenario na pwedeng mangyari sa selebrasyon ng Ati-Atihan lalo na sa festival zone at isa na rito ang bomb explosion.

Layunin raw nito na masubok ang kahandaan ng mga kapulisan na nakatalaga sa lugar sa oras na kailanganin at isa rin ito sa mga hakbang para maiwasan ang anumang hindi kanais-nais na insidente.

“We have different scenarios nga pwede matabo subong sa bahin sang festival zone naton sa Kalibo so the first scenario that we have here is bomb explosion. This is part of our preparation to test the operation readiness sa mga task unit naton in any given scenario.

Kung matatandaan, mahigit 2000 na kapulisan mula sa PRO6 ang bahagi ng augmentation forces na ipinakalat para sa matiwasay na selebrasyon ng Ati-Atihan Festival 2024. / MAS