Connect with us

Aklan News

Bonna Ambay, posibleng di ginahasa pero nanlaban kaya pinatay

Published

on

Maliit ang posibilidad na pinagsamantalahan si Bonna Hercia Ambay ayon sa pahayag ng kanyang lolo at tumatayong tagapagsalita ng pamilya Ambay na si Atty. Ben Candari.

Maaring hindi raw ginahasa ang kanyang apo dahil “intact” pa ang suot na shorts nito pero nanlaban ang biktima, kaya siya pinatay ng salarin batay sa pahayag sa kanila ng pulisya.

Sinabi ni Candari na bukas pa lalabas ang resulta ng autopsy at dito pa malalaman kung pinagsamantalahan ng ang kanyang apo o hindi.

Isa ang rape sa tinitingnang matibo ng krimen dahil ayon umano sa ibang guwardiya na nagtatrabaho sa RD Pawnshop ay nagagandahan ang person of interest na si Mark Archie Torrefiel sa biktima.

Minsan na rin daw itong nagtanong kung may boyfriend si Ambay. Ayon pa kay Atty. Candari, hindi pinapansin ng kanyang apo si Torrefiel.

Maliban sa panggagahasa, isa rin sa mga tinitingnang anggulo ng mga otoridad ang pagnanakaw dahil si Ambay ang nagtatago ng code ng vault sa opisina.

Napag-alaman kasi na si Torrefiel ay isang drug surrenderee at suspek din sa kasong pagnanakaw at panghoholdap sa Pasig City.

Kaugnay nito, kinumpirma rin ni Atty. Candari na handa silang magbigay ng pabuyang P120,000 sa kung sino man ang makapagturo sa kinaroroonan ni Torrefiel.

Mula ang P30,000 kay Kalibo-Mayor elect Juris Sucro, P20,000 mula sa anonymous na abogado at P70,000 mula mismo kay Ca ndari.

Pinasalamatan din ng abogado ang mga taga Kalibo PNP dahil sa ginagawa nilang pagtutok sa kaso ng pagpatay sa kanyang apo.