Connect with us

Aklan News

BOOSTER SHOTS, LIBRENG IBIBIGAY SA MGA FOREIGN O DOMESTIC TOURISTS NA PUPUNTA SA BORACAY ISLAND

Published

on

File Photo: Diadem Paderes/Radyo Todo Aklan

Masayang inanunsyo ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na lahat ng turistang papasok sa Boracay Island dayuhan man o hindi ay maaaring mag-pabooster shot ng libre.

Ibinida ng kalihim ang kagandahan ng Boracay sa ginanap na pilot run ng Resbakuna sa Botika ngayong araw, Pebrero 11, 2022 sa Watsons City Mall, Boracay.

“Lahat ng turista na pupunta dito, foreigner o domestic ay libre ang booster shot dito sa Watsons. Ang maganda pupunta lang sila dito, libre pa ang booster.

“At san ka pa, lahat na mahahanap mo, sand, beach, masarap ang pagkain, mababait ang tao, bakunado lahat ng tao, nagpapabooster pa and ‘yung dayuhan pwede magpa booster dito,” dagdag pa ni Puyat.

Hindi lang ang ganda ng isla ang ibinida ng kalihim kundi pati na rin ang mababait at fully vaccinated na mga residente na naghihintay na lang ng booster shots.

Kaya raw sa tuwing tinatanong si Puyat kung saan dapat pumunta ang mga turista, Boracay agad ang sinasagot niya.

“Lahat tinatanong sakin. Where do you suggest where the tourist should go? I always mention Boracay. Bakit? Well, of course, maganda naman talaga ang Boracay. Malinis, ‘yung coliform level yata ang normal is a hundred, only 50 na yata ang quality it means mas malinis pa sa malinis,” paliwanag niya.

Dagdag pa ng kalihim, “There’s a reason bakit you are our number one tourist destination, malinis ang Boracay, maganda ang Boracay and fully vaccinated lahat.”

Nagpasalamat din si Puyat sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng mga pribadong sektor upang mas lalong mapabilis ang pag-aabot ng herd immunity sa isla na ngayon ay bukas na sa lahat ng mga fully vaccinated tourist. MAS/RT