Aklan News
Boracay casino, magdadala ng mga ‘high-end tourists’ at libu-libong trabaho – PAGCOR
INAASAHANG magdadala ng mga ‘high-end’ na turista, manlalaro at libu-libong trabaho ang mga casino sa Boracay kapag nabuksan na ayon sa gaming regulator ng bansa.
Sa kabila ng pagtutol ng mga residente ng Boracay, sinabi ng Philippine Amusement and Gaming Corp (PAGCOR) na ang pag-develop ng Alliance Global Group Inc ni Andrew Tan at Galaxy Group ng Macau ay makakabuti sa isla.
“If you saw the development in these two areas, you would imagine that they are really really maybe a hundred times better than the small little little stalls that actually overcrowd the main island right after the beaches,” saad ni PAGCOR chair Andrea Domingo.
Ayon kay Domingo, ang Newcoast casino ay inaasahang magdadala ng may nasa 2,500 hanggang 3,000 na mga dayuhang turista sa loob lang ng isang linggo, at karamihan sa mga kliyento nito ay mga pasahero ng mga Genting Cruise.
Ang Newcoast casino ay nagkakahalaga ng halos P19 billion, at handa na ang kompanya na magdala ng mga gaming machines at kagamitan bago pa man i-ban ni President Rodrigo Duterte ang mga casino sa Boracay rehabilitation.
Aabot sa 10,000 na trabaho ang kayang ibigay ng Newcoast dagdag pa ni Domingo.
Samantala, ang Galaxy naman ay nag invest ng $500 million o P25 billion para mag set up ng casino sa Boracay.
Sinabi pa ni Domingo na nirerespeto ng mga casino operators ang mga environmental laws.
Via ABS-CBN News