Connect with us

Aklan News

Boracay diving businesses, nakiisa sa pinakamalaking diving expo sa Asya

Published

on

Nakiisa ang Boracay Business Association of Scuba Diving (BBASS) sa pinakamalaking diving expo sa Asya.

Ito ay ang Diving and Resort Travel (DRT) Expo na idinaos nitong Agosto 18 sa SMX Convention Center sa Manila.

Ayon kay Mike Labatiao, presidente ng BBASS, ang diving services ng Boracay ang isa sa tinatangkilik na water activities ng mga turista.

Aniya pa, hindi na ito nakapagtataka dahil kilala ang Pilipinas bilang “Best Diving Destination” sa DRT Malaysia at Taiwan.