Connect with us

Aklan News

Mula sa dating P75, Environmental Fee sa Boracay tataas ng hanggang P300

Published

on

APRUBADO na ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang ordinansa ng Malay na naglalayong taasan ang environmental fee na kailangan bayaran ng mga turista bago makapasok sa isla ng Boracay.

Mula sa dating P75, magiging P150 na ang environmental fee ng mga non-Aklanon tourist habang aabot naman ng hanggang P300 ang sa foreign nationals.

Batay kay Malay councilor Maylynn Aguirre Graf na siyang nag sponsor ng ordinansa, ang kikitain mula dito ay mapupunta maayos na pagpapanatili ng Boracay Island.

Ayon naman sa Malay Municipal Tourism Office, hinihintay nalang nila ang pag release ng official guidelines.

Ang Municipal Ordinance No. 431 Series of 2020 o ” An Ordinance Increasing the Environmental Fee for All Visitors and Guests Bond for Boracay Island, Municipality of Malay, Aklan” ay inaprubahan ng SP Aklan noong ika-9 ng Nobyembre.