Aklan News
BORACAY IARMG, MAY BAGONG GENERAL MANAGER
May bago nang general manager ang Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group (BIARMG) kapalit ni dating BIARMG chief Natividad Bernardino.
Kasunod ito ng pagtalaga kay Bernardino bilang Director ng Biodiversity Management Bureau (BMB).
Ayon kay DENR 6 Regional Executive Director Livino B. Duran, itinalaga bilang bagong BIARMG GM Martin Jose Valentino Despi dahil hindi na siya bago sa Boracay at marami na rin siyang naging karanasan sa ginawang rehabilitasyon sa isla.
“He is not new to Boracay, kay sa pag-umpisa sang Boracay rehabilitation, siya dati ang daw chief of staff kag nagahalili kay anay Undersecretary Densing sang DILG,” saad ni Duran sa panayam ng Radyo Todo.
Magsisilbi si Despi bilang GM hanggang sa katapusan ng Hunyo 2022.
Magugunitang pinalawig ni Presidente Rodrigo Duterte ang termino ng inter-agency task force ng hanggang sa June 30, 2022 para sa pagpapatuloy ng rehabilitasyon sa isla.
Si Despi ay nagsilbi ring Program Manager ng Department of Interior and Local Government bago naging DENR Assistant Regional Director for Special Concerns sa National Capital Region. MAS/RT