Aklan News
BORACAY ISLAND, BUKAS NA MULI SA MGA TURISTA
BINUKSAN na muli ng gobyerno ang Boracay Island para sa mga turista.
Batay sa abiso ng Aklan Provincial Government, simula ngayong araw, Setyembre 8, 2021, tatanggap na ng mga turista ang Boracay ngayong nasa General Community Quarantine (GCQ) na ang lalawigan ng Aklan.
Para sa mga gustong magbakasyon, may ilang palatuntunan ang IATF sa ilalim ng GCQ status para maiwasan ang lalong pag-kalat ng kaso ng COVID-19.
Para na rin ito mapangalagaan ang kalusugan ng mga turista at residente.
Continue Reading