Connect with us

Aklan News

BORACAY ISLAND DEVELOPMENT AUTHORITY BILL, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA SA MABABANG KAPULUNGAN NG KONGRESO

Published

on

Photo| Malay Tourism Office FB Page

Lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng mababang kapulungan ng kongreso ang batas na magtatatag ng Boracay Island Development Authority Bill (BIDA Bill).

Sa botong 192 na pabor at 7 tutol ay tuluyan nang inaprubahan sa kamara ang House Bill 9826 na isa sa mga prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay sa kabila ng pagpapahayag ng mariing pagtutol ng Provincial Government of Aklan (PG-Aklan) sa isinusulong na panukala sa kongreso.

Sa ilalim ng panukala, ang Boracay Island Development Authority Bill na isang government-owned and controlled corporation (GOCC) na ang mamamahala sa pagdevelop at rehabilitasyon ng Boracay Island Development Zone, na sakop ang buong Boracay Island at Barangay Caticlan.

Kasalukuyang nasa ilalim ng pamamahala ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) ang isla na tinaguriang “world-famous resort island.”

Kamakailan lang ay pinalawig ni Pangulong Duterte ang termino ng (BIATF) ng hanggang sa katapusan ng kanyang termino sa Hunyo 30, 2022 sa pamamagitan ng EO 147.