Aklan News
Boracay island mayroon ng 1.9 milyon tourist arrivals


Sumampa na sa 1,941,219 ang bilang ng nga turista na bumisita sa Boracay Island.
Ito ay batay sa datos ng Malay Tourism Office simula buwan ng Enero hanggang Nobyembre ng taong kasalukuyan.
Mas mataas ito kung ikukumpara noong nakaraang taon sa kaparehong period na mayroon lamang 1, 586, 740 tourist arrivals.
Nalampasan na rin ng Boracay Island ang target nitong 1.8 million tourist arrivals bago matapos ang 2023.
Matatandaan na nito lamang Nobyembre ay tinanggal na rin bilang requirement sa pagpasok sa isla ang hotel voucher sa pamamagitan ng Executive Order No. 0097 series of 2023 ng Aklan Provincial Government para sa mas madaling pagpasok sa Boracay Island.
Continue Reading