Connect with us

Aklan News

Boracay Island planong gawing ‘Muslim-friendly’ ng DOT

Published

on

PLANO ngayon ng Department of Tourism (DOT) na gawing “Muslim-friendly” ang pamosong Boracay Island.

Ito ang inihayag ni DOT Secretary Christina Garcia-Frasco ang naturang plano kasabay ng pagbubukas ng tatlong araw na Salaam: The Halal Travel and Trade Expo na ginanap sa Gateway Mall 2 ng Araneta Center sa Cubao, Quezon City nitong Hunyo 14.

Layon ng ahensiya na makaakit pa ng mas maraming Muslim na turista.

Ayon kay DOT Undersecretary Myra Paz Valderrosa-Abubakar, ang plano na gawing Muslim-friendly destination ang Boracay ay nabuksan sa meeting ng DOT, mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Malay at ng mga ambassador ng Malaysia at Brunei Darussalam dalawang buwan na ang nakararaan.

Ang Muslim-friendly Boracay campaign ay inaasahang ilulunsad sa buwan ng Setyembre ng taong kasalukuyan.