Aklan News
BORACAY ISLAND, TINANGKANG PASUKIN NG CPP NPA PARA MANG RECRUIT NG MGA MIYEMBRO
TINANGKA di umanong pasukin ng Communist Party of the Philippines (CPP) New People’s Army (NPA) ang Boracay Island para makapagrecruit ng mga miyembro.
Ito ang naging pahayag ng isa sa mga dating organizer ng CPP-NPA at Regional Director ng Kilusang Mayo Uno na si Ka Winnie sa isinagawang dayalogo kahapon ng umaga sa Aklan State University sa Banga.
Sinamantala di umano nila ang pagkakataon na naghihirap ang mga indibidwal na nawalan ng trabaho sa Boracay noong magsara ang isla.
Taong 2018, bago siya nag lie low bilang kasapi ng NPA, nagplano rin ang mga ito na bumuo ng organisasyon para sa relief operation sa 24,000 distressed workers sa Boracay.
Ngunit dahil sa masusing pagbabantay sa tatlong barangay ng isla, ang tatlong beses nilang pagtangkang pumasok ay hindi naging matagumpay.
Dagdag pa ni Ka Winnie, ito ay bahagi nang wide operation ng CPP/NPA para mag recruit ng mga indibidwal na sumali sa kanilang organisasyon.
Si Ka Winnie ay isa sa mga resource speaker sa ginawang dayalogo kasama ang Philippine Army, PNP at Aklan State University officials matapos masama rin sa listahan ang ASU kung saan nagsasagawa ng recruitment sa mga estudyante ang CPP-NPA ayon sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ECLAC.
Kinumpirma rin ito ni Major Cenon Pancito Spokesman ng 3rd ID Phil Army sa panayam ng Radyo Todo sa kanya kanina.