Connect with us

Aklan News

Boracay, pasok sa ‘8 Most Visited Island Destination in Asia’ base sa India Travel Magazine

Published

on

PHOTOS: Malay Boracay Tourism Office/Facebook

Kinilala ang Boracay Island bilang isa sa “8 Most Visited Island Destination in Asia” sa isang travel magazine na naka-base sa India.

Batay sa isang article ng TimesTravel ng The Times of India na naka-publish nitong August 7, pang-apat ang Boracay sa ‘most visited island destinations in Asia’ dahil sa ‘powdery white sand, crystal-clear waters at magandang sunset nito na sinamahan pa ng mga water sports activities at ‘vibrant nightlife’.

Bali, Indonesia ang nanguna sa listahan ng TimesTravel, na pinangalawahan ng Phuket sa Thailand, pangatlo naman ang Palawan na sinundan ng Maldives, Langkawi sa Malaysia, Havelock Island sa India at Jeju Island sa South Korea.

Pinasalamatan ng Department of Tourism ang TimesTravel sa pagsama sa Boracay at Palawan sa listahan.

Kung matatandaan, nitong Hunyo, pasok rin ang Boracay sa Best Islands in the Asia-Pacific category sa Travel+Leisure Luxury Awards Asia Pacific 2024.