Connect with us

Aklan News

BORACAY, PATULOY PA RING IRE-REQUIRE ANG RT-PCR TEST SA MGA TURISTA SA KABILA NG MAS MALUWAG NA HEALTH PROTOCOLS PARA SA MGA FULLY VACCINATED INDIVIDUALS

Published

on

Sinabi ni Aklan Governor Florencio Miraflores na patuloy pa ring hahanapan ang mga turista ng negative RT- PCR test bago payagang makapasok sa Boracay.  Ito ay sa kabila ng pagluluwag ng health protocols ng pamahalaan sa mga fully vaccinated individuals.

Ayon kay Miraflores, napagdesisyunan ng Provincial Inter-agency task force na i-waive ang pagtanggap ng mga vaccination cards bilang requirement sa pagpasok sa Boracay sapagkat napakadali umanong pekehin ng kasalukuyang mga vaccination cards.

Dagdag pa ni Miraflores, hindi madali ang pagbe-beripika ng mga nasabing vaccine cards sapagkat ang mga ito ay ipi-ni-print at ipinamimigay lamang ng mga vaccine sites, di tulad ng mga RT-PCR tests results kung saan makikita dito ang mga contact details ng laboratory na nagsagawa ng test.

Sinabi naman ni Malay Mayor Frolibar Bautista na kasalukuyan nang nagdidisenyo ang lokal na pamahalaan ng isang validating system upang matukoy ang mga tampered na vaccination card.

Ayon naman kay Miraflores, habang wala pang internationally recognized vaccination certificate, at wala pang sistema sa pagbeberipika ng mga vaccination cards, patuloy nilang ire-require ang negative swab test results.

“All arrivals in the island should present their [negative] RT-PCR tests until such time that a…uniform vaccination card validating system will be put in place,” ani Miraflores.

Hindi na rin umano kailangang hintaying mabakunahan ang 50 porsyento ng mga residente sa isla upang ma-waive ang pag-require ng RT-PCR test sapagkat ang minimum requirement ay ang uniform verification system.

Samantala, nagbabala naman si Sec. Vince Dizon na ang pamemeke ng vaccination cards ay isang illegal na gawi.

“Pasensyahan po tayo kasi we take these illegal acts seriously.  Makukulong po kayo at may pena pa yan,” ani Dizon.

Umaasa naman sina Department of Tourism secretary Berna Romulo-Puyat na ang dinedebelop na cryptocode system ng  Department of Information at contact tracing czar Mayor Benjamin Magalong ay makatutulong na mapabilis ang beripikasyon ng mga Vaccination cards.

Ang cryptocode technology ay mas reliable umano at mas mahirap pekehin kaysa sa Quick Response (QR) code na kasalukuyang ginagamit sa bansa.

Continue Reading