Connect with us

Aklan News

Boracay reopening sa October 1, inaprubahan na ni Tourism Secretary Puyat

Published

on

Image|©Philip Familiara

BUBUKSAN na ang Boracay island sa mga turista kabilang na ang mga mula sa General Community Quarantine (GCQ) areas gaya ng National Capital Region.

Nagdesisyon ang Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) gabi ng Martes, ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat.

Tinanggap naman ng Tourism Congress of the Philippines ang desisyon ng BIATF at inirekognisa ang dobleng dagok na naranasan ng Boracay mula nang ipasarado sa loob ng anim na buwan para sa rehabilitasyon at magkaroon ng international travel restrictions dahil sa krisis na dala ng COVID-19.

Sinabi ni Puyat na hindi pa pinahihintulutan ang mga foreigners sa isla. Hindi rin malinaw sa ngayon kung dapat na kumuha agad ang mga turista ng RT-PCR test pagdating sa lokasyon o bago pa pumunta ng Boracay.

Nakapagtala ang isla ng 2.03 million arrivals nitong nakaraang taon.