Aklan News
Boracay tourist arrival bumaba ng 7K nitong buwan ng Hunyo


BUMABA ng 7,718 ang bilang ng tourist arrival sa isla ng Boracay nitong nakalipas na buwan.
Batay sa tala ng Malay Tourism Office, mayroong 193,650 tourist arrival mula Hunyo 1-30 ng taong kasalukuyan.
Ang nasabing bilang ay mas mababa kung ikukumpara sa 201,368 tourist arrival na naitala noong buwan ng Mayo.
Mula sa nasabing numero, 182, 508 ang domestic tourist, 4,269 ang mga OFW habang 6,873 naman ang banyagang turista.
Continue Reading