Connect with us

Aklan News

Boracay tourist arrival, pumalo sa 83K sa unang 15 araw ng Enero

Published

on

Pumalo sa kabuuang 83,942 na mga turista ang bumisita sa Boracay Island mula Enero 1 hanggang 15.

Mas mataas ito kumpara sa nai-record noong nakaraang buwan sa kaparehong period na umabot lamang sa 71,044.

Ito ay batay sa datos ng Malay Municipal Tourism Office kung saan karamihan sa mga bumisita sa isla ay mga domestic tourists na umabot sa 63,753.

Samantala nasa 14,812 naman ang bilang ng mga foreign tourist habang 5,377 ang Overseas Filipino Workers (OFWs).

Tumaas ang bilang ng tourist arrival sa Boracay matapos marami ang dumayo sa isla upang ipagdiwang ang bagong taon kung saan inabangan ng mga ito ang pagbabalik ng fireworks show.

Noong nakaraang taon, nakapagtala ang Boracay Island ng 1.75 million tourist arrivals./SM