Connect with us

Aklan News

Boracay tourist arrival sa Oktubre, tumaas sa 135k

Published

on

File Photo: Mary Ann Solis/Radyo Todo

Tumaas ang bilang ng mga tourist arrivals sa isla ng Boracay sa buwan ng Oktubre.

Umabot sa 135, 252 tourists ang bumisita sa isla sa nabanggit na buwan, mas mataas kumpara sa 122, 373 noong Setyembre.

Sa nabanggit na bilang 116,503 ang domestic tourist at 2662 ang Overseas Filipino Workers.

Kapansin-pansin din ang pagtaas ng bilang ng mga foreign tourist na nasa 16,087 na kumpara sa 12,513 noong Setyembre.

Kung matatandaan, kinilala ang Boracay Island bilang top island sa buong Asya sa 2022 Readers’ Choice Awards ng travel magazine na Condé Nast Traveler.

Ang Condé Nast Traveler ay nagsasagawa ng survey kada taon para sa Readers’ Choice Awards sa mga world’s best islands, cities, countries, resorts at iba pa.