Aklan News
BORACAY TOURIST ARRIVAL SA SETYEMBRE, NASA MAHIGIT 6K NA
Nakapagtala ng kabuuang 6702 na tourist arrivals ang Boracay Island sa buwan ng Setyembre.
Sa tala ng Malay Tourism Office, 4, 614 sa kanila ang galing sa National Capital Region (NCR), 555 ang Aklanon, 503 sa Central Luzon, 445 sa Calabarzon, 81 sa Central Visayas, 61 sa Ilocos Region, 50 sa CAR, 45 sa Davao region, 43 sa Bicol, 38 sa Cagayan Valley, 28 sa Eastern Visayas, 22 sa Northern Mindanao, 21 sa SOCSARGEN, 15 sa Zamboanga Peninsula, 2 sa BARMM, at tig isa sa MIMAROPA at CARAGA.
Kung titingnan ang kasarian, nasa 3497 ang kalalakihan at 3205 naman ang mga kababaihan.
Batay naman sa edad, nasa 205 ang 0-12 years old, 115 ang 60 above at pinakamarami ang 13-59 years old na 6372.
Nananatiling bukas ang isla ng Boracay sa pagtanggap ng mga turista ngayong muling isinailalim ang lalawigan ng Aklan sa General Community Quarantine (GCQ).