Connect with us

Aklan News

BORACAY WATER SPORTS ACTIVITIES, TIGIL OPERASYON MUNA

Published

on

water-sports-activities-kanselado

Boracay Island – Pansamantala munang itinigil ng Philippine Coast Guard (PCG) Sub-station Boracay ang lahat ng mga water sports activities sa isla dahil sa masamang panahon.

Naglagay sila ng mga red flag sa back beach bilang senyales ng pagsuspende sa lahat ng uri ng mga aktibidad sa lugar gaya ng sea sports, island hopping, scuba diving, helmet diving, pati na rin ang pagligo sa baybayin.

Kaugnay nito, nauna ng ipinasuspende ng LGU Malay ang klase sa lahat ng mga pampublikong paaralan na malapit sa mga ilog at may mababang lugar.

Sa pinakahuling abiso ng PCG, balik na sa normal ang operasyon ng mga motorbanca sa Boracay na inilipat sa Tambisaan-Tabon port vice versa at siniguro nilang agad na magpapalabas ng suspension order kapag patuloy pang lumakas ang alon.