Connect with us

Aklan News

Boracay White Beach Festival 2024, opisyal nang binuksan

Published

on

PHOTO: Malay-Boracay Tourism Office

Opisyal ng binuksan ang Boracay White Beach Festival 2024 kahapon sa Boracay Island, Malay.

Ang weeklong celebration na ito ay nakatuon sa konserbasyon at pag- preserba ng sikat na isla.

Naging sentro ng grand opening ng festival ang Malay Biniray kung saan idinisplay ang mga paraw na simbolo ng mayamang maritime heritage at cultural identity ng munisipalidad.

Isa rin itong panawagan sa pag-askyon na mapangalagaan ang turismo at pagprotekta sa kapaligiran.

Isa rin sa mga highlight ng event ang Sand Castle Making Contest, kung saan ipinamalas ng mga miyembro ng Boracay Sand-Castle Maker Association Inc. ang kanilang pagiging creative sa paglikha ng mga sand sculptures.

Bukod dito, may mga sports competitions at pocket events rin na nakalatag para sa buong linggo.