Connect with us

Aklan News

BREAKING: Aklan isinailalim sa state of calamity bunsod ng epekto ng El Niño phenomenon

Published

on

ISINAILALIM na sa state of calamity ang lalawigan ng Aklan bunsod ng matinding epekto ng El Niño phenomenon.

Sa isinagawang special session ngayong araw, inaprubahan ng Aklan Sangguniang Panlalawigan ang “Resolution Declaring The Entire Province Of Aklan Under A State Of Calamity Due To The El Niño Phenomenon.”

Batay sa report ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA), malaki na ang pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa pananalasa ng El Niño.

Sa pamamagitan ng pagdedeklara ng state calamity, mabibigyan ng awtoridad ang lokal na pamahalaan na gamitin ang kanilang calamity funds.