Connect with us

Agriculture

BREAKING: Pagpapapasok ng mga baboy at swine products sa Aklan, ipinagbabawal na

Published

on

Naglabas ng Executive Order No. 045 ngayong araw, Oktubre 14, 2022, si Governor Jose Enrique Miraflores bilang ‘pre-emptive measure’ kaugnay ng napabalitang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa lalawigan ng Iloilo.
Ayon sa nasabing EO, ipinagbabawal na ang pagpapapasok sa Aklan ng mga buhay na baboy, mga karne ng baboy, mga hilaw o processed na pork products, maging ang mga semen nito.
Sa kabilang banda, pinapayagan naman ang pagbibiyahe ng mga baboy at mga by-products nito palabas ng probinsya sa kundisyong masusing idi-disinfect at dadaan muna sa downtime pagkatapos ng byahe ang pinagkargahan ng mga baboy.
Inaatasan din ang municipal local government units, Barangay Biosecurity Officers, Philippine Coast Guards, maritime at PNP mobile force, na tumulong sa mga Veterinary Quarantine Officers sa pagbabantay sa mga provincial ports at borderes.
Kukumpiskahin ang mga madidiskubreng ipinagbabawal na swine products at ang mga ito’y ididispatsa alinsunod sa mga itinatakdang probisyon ng General Ordinance No 2021-011 o mas kilala sa “An Ordinance Governing the Prevention and Control of ASF in the Province of Aklan, Imposing Penalties for Violation Thereof and Appropriating Funds Therefor.”
Ang Executive Order ay ipapatupad sa lalong madaling panahon. |Glesi Lyn Sinag & Felmerie Sabino #RadyoTodo
Continue Reading