Connect with us

Aklan News

BREAKING: Suspek na si Stanley Mercado, Jeric Ocampo ang tunay na pangalan

Published

on

HINDI Stanley Mercado kundi Jeric Ocampo ang tunay ng pangalan ng suspek na tumakas sa police station at nagpahabol pa sa mga otoridad nitong Martes, Pebrero 4.

Sa ekslusibong panayam ng Radyo Todo sa nanay ng suspek, kinumpirma nito na Jeric Ocampo ang tunay na pagkakakilanlan ng kanyang anak.

Aniya pa, matagal nang hindi nakaka-uwi sa Mindoro ang kanyang anak.

Dagdag pa nito, matigas na ang ulo ng kanyang anak at wala na siyang ibang balita tungkol dito.

Huling impormasyon aniya nito ay noong nag-text ang suspek sa kanyang mga kapatid na nag-apply ito bilang konduktor ng isangbus liner.

Kwento pa nito, may maganda trabaho ang suspek sa Maynila noon bilang isang driver kung saan doon niya nakilala ang kanyang asawa ngunit sa naghiwalay din umano ang mga ito.

Simula noon ay nag-iba na aniya ang takbo ng buhay ng kanyang anak at halos hindi na niya maintindihan kung ano ang gusto sa buhay.

Hindi na ito nakikinig sa kanya gayundin sa kanyang mga kapatid kaya’t pinabayaan na niya ito dahil nasa tamang edad na rin.

Samantala, inihayag nito sa Radyo Todo nagkaroon pa sila ng komunikasyon ng kanyang anak noong nakulong ito sa Banga PNP ngunit hindi na niya ito masyadong kina-usap dahil nasasaktan lamang ito sa mga ginagawa ng kanyang anak.

Sa ngayon ay ipinapaubaya na niya sa mga otoridad ang kapalaran ng kanyang anak.