Connect with us

Aklan News

Brgy. Kagawad sa Pusiw, Numancia nagreklamo matapos hindi makatanggap ng COVID-19 Incentive

Published

on

Nagreklamo ang isang barangay kagawad sa Pusiw, Numancia matapos na hindi makatanggap ng ONE-Covid19 Allowance (OCA).
Inilahad ni konsehal Randy Reodava na isa rin siya sa mga nagserbisyo noong panahon ng pandemya pero hindi siya napasama sa mga nakatanggap ng covid19 incentive.
Giit niya, nakapagpasa naman siya ng Philhealth ID na isa sa mga pangunahing requirement para makatanggap ng incentive pero hindi kabilang ang kanyang pangalan sa mga nabigyan nito.
Kinuwestyon din nito ang ibang mga pangalan na nakapasok sa listahan pero hindi naman nagserbisyo noong pandemya.
Sa panayam naman ng Radyo Todo kay Pusiw Brgy. Captain Allan Rose, sinabi nito na wala silang pinili at lahat ng mga tumulong sa barangay ay ipinalista niya sa kanilang sekretarya.
Depensa ng kapitan, huli na nakapagpasa ng Philhealth ID si Reodava dahil ngayong Setyembre lang ito nagcomply gayong noong 2022 pa ito hiningi sa kanila at Oktubre 26, 2022 pa sila nakapagpasa ng listahan sa RHU.
“Ko 2022 pa ginpangayo kanda anda Philhealth, September eang ngara imaw nag comply.
Nakasubmit imaw pero ulihi eon gid,” pahayag ng punong barangay. Huli na umano nagkumahog si Reodava na maglakad at magpasa ng Philhealth nang malaman nito mula sa sekretarya na makakatanggap na sila ng OCA.
Nilinaw rin ng kapitan na wala silang pinili, kakampi o kontra partido man.