Connect with us

Aklan News

Brgy. Kapitan ng Jawili, pinabulaanan ang isyung may COVID positive sa kanilang lugar

Published

on

Nilinaw ni Bgry. Kapitan James D. Tumbagahan ng Jawili, Tangalan na hindi totoo ang balitang kumakalat sa facebook na may nagpositibong Locally Stranded Individual (LSI) mula sa kanilang barangay.

Sa eksklusibong panayam ng Radyo Todo kay Tumbagahan, sinabi nito na marami ngayong ang nagpapadala ng mensahe sa kanilang official FB Page na nagsasabing nakakatakot nang pumunta sa Jawili pati ang kanilang mga karatig barangay.

Ayon sa punong barangay, may isang LSI ngayon na naka-quarantine sa kanilang quarantine facility na dumating sa Jawili nitong June 23 mula sa Palawan.

Dagdag pa ni Tumbagahan, tumawag sa kanya ang LSI nitong June 27 dahil sumama ang kanyang pakiramdam at nagpadala sa ospital sakay ng ambulansiya, maayos naman ang resulta ng mga laboratory test ng pasyente pero kinuhaan rin siya ng swab test at hinihintay pa nila ang resulta.

Nag-aalala si Tumbagahan na baka makaranas ng diskriminasyon ang kanilang mga kabarangay dahil sa lumabas na balita.

Iginiit rin nito na huwag sanang pangunahan ang resulta ng test na hindi pa dumarating.