Aklan News
Brgy. tanod, binaril sa dibdib ang sariling bayaw
Tumagos sa likod ang balang tumama sa dibdib ng isang lalaking binaril ng kanyang bayaw na Brgy. Tanod sa Pampango, Libacao kagabi.
Kinilala ang biktimang si Gyrel Lanciso, 42 anyos at ang suspek na si Weny Zonio, 43 anyos, kapwa mga residente ng Brgy. Pampango, Libacao.
Ayon sa misis ng biktima na si Marivic Tinong, nagsigawan at nagmurahan ang kapwa lango sa alak na mga biktima at suspek.
Hanggang sa pumunta umano ang mga ito sa palayan at doon naghamunan ng away.
Dito na binaril ni Zonio ang biktima na tumama sa kaliwang dibdib dahilan na isinugod sa ospital.
Samantala, hindi pa nahuhuli ang suspek na nakatakas matapos ang krimen at patuloy pang pinaghahanap ng mga kapulisan.
Continue Reading