Aklan News
Brgy. Tanod, nahulihan ng mga armas sa raid, inireklamo ng kanya mismong mga anak
Arestado ang isang Brgy. Tanod sa San Dimas, Malinao, matapos makuhaan ng mga armas at bala sa raid ng CIDG Aklan at Malinao PNP.
Inireklamo ng kanya mismong mga anak ang suspek na si Sonny Iyoyo, 54 anyos, residente ng nabanggit na lugar.
Sinasabing tinutukan ng kalibre 45 na baril ng suspek ang kanyang anak na babae kaya nagsumbong ang mga ito sa pulis.
Narekober sa raid ang isang unit ng kalibre 38, isang kalibre 22, magazine ng kalibre 45 at 23 iba’t-ibang bala ng baril.
Pero hindi natagpuan ng mga pulis ang kalibre 45 na siyang itinutok ng suspek sa kanyang anak.
Ayon kay PCapt. Donnie Magbanua, hepe ng Malinao PNP, sinimulan nila ang raid alas-5:00 kaninang umaga.
Samsampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek.