Aklan News
BRGY. YAPAK SA BORACAY NAKA SURGICAL LOCKDOWN, 9 COVID-19 CASES, NAITALA
Matapos bawiin ang ECQ sa Brgy. Balabag at surgical lockdown sa Zone 1 at 7 ng Manocmanoc, isinailalim naman sa surgical lockdown ang Zone 1 (Sitio Ilawod) ng Brgy. Yapak.
Nagsimula ang bagong quarantine classification sa lugar kaninang alas-12 ng hatinggabi alinsunod sa Executive Order No. 17, series of 2021 ng Local Government Unit ng Malay
Magtatagal ang lockdown ng labing apat (14) na araw ngunit maari itong tanggalin nang mas maaga depende sa takbo ng COVID-19 cases sa lugar.
Kasalukuyang nasa 9 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa lugar matapos madagdagan ng 6 na bagong kaso kahapon.
Continue Reading