Connect with us

Aklan News

Budol alert: 2 Ilongga, nabudol sa rerentahang apartment sa Kalibo; FB post na apartment, residential house pala

Published

on

File Photo: Katodo DK/Radyo Todo Aklan

NABUDOL ang dalawang babaeng taga-Iloilo matapos magbayad ng downpayment para sa rerentahan sanang apartment sa Kalibo ngunit isang ordinaryong bahay lang pala.

Sa eksklusibong panayam ng Radyo Todo sa dalawang babae, nakita nila ang apartment sa isang Facebook post nitong Hulyo 3, 2024 habang naghahanap nang matutuluyan sa bayan ng Kalibo.

Agad naman silang nagpadala ng pera na nagkakahalaga ng P2,500 para sana sa down payment ng apartment.

Salaysay ng mga biktima, pagmamay-ari umano ito ni Ginno Sales sa may Vizcara Subdivision, Andagao, Kalibo.

Samantala, ngayong Biyernes nang dumating ang dalawa sa Kalibo mula pa sa Iloilo dito na tumambad sa kanila ang isang residential house at hindi pala apartment ang pinapaupahan.

Agad din nilang tinawagan si Sales ngunit hindi na ito ma-contact.

Dahil sa nangyari, minabuti na lang ng dalawang babae na iparecord sa Kalibo PNP ang nangyaring pambubudol.

 

 

Continue Reading