Aklan News
BUSINESS HOURS NG MGA COMMERCIAL ESTABS, PAPALAWIGIN
Inaasahan na magpapalabas ngayong araw ng advisory si Aklan Gov. Florencio Miraflores sa mga ilang pagbabago na napagkasunduan sa isinagawang Provincial Inter-Agency Task Force (PIATF) meeting kahapon.
Ayon kay Ibajay Mayor at LMP President – Aklan Chapter Jose Enrique Miraflores na isa sa pinagtuunan ng kanilang pag-uusap ay ang business hours ng mga essential commercial establishments, pribado at government offices at transportasyon.
Papalawigin ang business hours ng mga commercial establishment simula ngayong araw mula alas 6 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon na mas mahaba ng isang oras dating alas 6am hanggang 4pm.
Samantala ang mga nagtratrabaho sa pribado at gobyernong tanggapan ay mananatili sa alas 8am- 4pm para may oras pa sila na makapamili ng mga kakailanganin hanggang alas 5 ng hapon.
Wala ring ipinagbago ang iskedyul ng biyahe ng mga pampublikong sasakyan na hanggang alas 6 ng gabi.