Connect with us

Aklan News

Buyer, na-scam matapos mag-order sa facebook marketplace; imbes tablet, wipes with phone stand ang dumating

Published

on

Photo: Jay Ar Tabiolo Terre
‎NADISMAYA ang isang online buyer matapos na ma-scam sa inorder na tablet sa Facebook Marketplace.
‎Ayon sa isang netizen, nagpatulong sa kaniya ang isang lalaki matapos na ma-scam dahil ibang item ang dumating sa kaniya.
‎Nag-order umano ang lalaki sa Facebook Marketplace ng isang tablet na nagkakahalaga ng ₱ 1,399 pesos.
‎Dumating naman ang parcel nitong Miyerkules, Mayo 21 ngunit laking gulat nito nang makita ang laman na hindi tablet ngunit isang wipes at phone stand imbes lamang.
‎Dagdag pa rito, pinuntahan rin ng online buyer ang courier company para na rin sa possibleng disposisyon.
‎Labis naman na panghihinayang ang naramdaman ng isang lalaki dahil sa nangyari.l Ulat ni Arvin Rompe