Connect with us

Aklan News

CAAP-Aklan, positibo na madadagdagan pa ang bilang ng mga flights sa Kalibo International Airport

Published

on

POSITIBO ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Aklan na madadagdagan pa ang bilang ng mga flights na lumilipad at lumalapag sa Kalibo International Airport sa susunod na taon.

Ayon kay CAAP-Aklan Manager Engr. John William Fuerte, hindi pa bumabalik sa pre-pandemic ang bilang ng mga biyahe sa Kalibo International Airport.

Sa ngayon aniya ay mayroong 5 hanggang 6 na domestic flights ang lumilipad at lumalapag sa paliparan samantalang nasa 4 hanggang 7 naman ang international flights.

“Naga amat-amat naman ang aton nga international flights nga nagabalik, so early next year madugangan ina. So expect gid kita nga madugangan pa ang aton international flights,” ani Fuerte.