Connect with us

Aklan News

CAAP, pinabulaan ang umano’y patuloy na flight mula Wuhan sa kabila ng travel ban

Published

on

Photo from the web.

Kalibo, Aklan – Mariing pinabulaanan ng pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang umano’y patuloy na flights mula Wuhan, China sa Kalibo International Airport (KIA) sa kabila ng travel ban.

Sinabi ni CAAP manager Engr. Eusebio Monserate Jr., na ‘Fake News’ o walang katotohanan ang kumakalat ngayon sa social media.

Nilinaw ni Monserate na kanselado na lahat ng flights mula China simula pa noong February 2, ang pinakahuling lumapag aniya sa KIA ay noong pang Linggo at mula ito sa Shanghai.

Sa kabila nito ay may mga domestic flights parin umano at flights mula sa Korea.

Una nang kumalat sa social media na patuloy pa rin ang pagtanggap ng paliparan mula sa China sa kabila ng travel ban.

Pinaalalahanan naman nito ang publiko na maging maingat sa pagbahagi ng mga impormasyon sa social media lalo na kung hindi katiwa-tiwala ang source na kanilang pinagkukunan.