Connect with us

Aklan News

Capitol building ng Roxas City planong ilipat sa ibang barangay

Published

on

Maliban sa pagtatayo ng 5,000-seater convention center, plano ngayon ng gobyerno probinsyal ng Capiz ang ilipat sa ibang barangay sa Roxas City ang capitol building.

Ito ang inanunsiyo ni Provincial Administrator Edwin Monares sa ginanap na Christmas party para sa local tri-media na ginanap sa Governor’s Mansion sa Barangay Lanot, Roxas City.

Ang paglilipat ng capitol building, ayon kay Monares, ay isa sa mga political agenda ni Governor Nonoy Contreras.

Ang kasalukuyang Capitol building, na itinayo noon pang 190, ay walang parking space para sa mga kliyente at tanging ang mga elected officials lamang at mga department heads ang nilaanan ng parking space para sa kanilang mga sasakyan.

Samantala, pinasiguro naman ni Contretras na mas marami pang proyekto ang kanyang ipatutupad sa kanyang administrasyon. (source: IMT News)