Connect with us

Aklan News

Capiz pangalawa sa may pinakamataas na kaso ng suicide sa buong rehiyon

Published

on

ROXAS CITY – Pangalawa ang lalawigan ng Capiz sa may pinakamataas na kaso ng suicide sa buong rehiyon batay sa tala ng Police Regional Office 6.

Umabot sa 26 kaso ng suicide ang naitala sa Capiz mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.

Nangunguna sa Iloilo na may 59, pangatlo ang Negros Occidental na may 23, pang-apat Bacolod na may 12, habang panglima ang Guimaras na may siyam.

Ang lalawigan ng Antique at lungsod ng Iloilo ay parehong nasa ikaanim na hanay na may tig-pitong kaso. Pangpito ang Aklan na mayroon lamang apat na kaso.

Sa buong rehiyon kabuuang 147 insidente ng pagpapakamatay ang naitala ng kapulisan.

Kasabay ng pagdiriwang ng Mental Health Month ngayong Oktobre, ang gobyerno at mga pribadong organisasyon ay nagtutulungan para palawakin ang kamalayan ng publiko sa mental health.

Continue Reading