Connect with us

Aklan News

Cash assistance para sa mga nasalanta ni bagyong Paeng inihahanda na ng DSWD

Published

on

Bukod sa food packs, may cash assistance rin na ipamimigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga nasalanta ng bagyong Paeng sa probinsya ng Aklan.

Sa panayam ng Radyo Todo, sinabi ni Aklan Provincial Link Beverly Salazar na magbibigay ang DSWD ng financial assistance sa mga lubos na naapektuhan ng bagyo lalo na sa mga residenteng partially at totally damaged ang pamamahay.

Pero sinabi niya na hindi pa natutukoy ang mga benepisyaryo dahil manggagaling ang listahan sa mga munisipyo na mula rin sa barangay at dito ibabase ang ilalaang pondo ang DSWD.

Wala pang eksaktong araw kung kailan maipapamahagai ang cash assistance pero inaasahan na ito sa susunod linggo.

Bilang paunang tulong, nauna nang ipinadala ng ahensya ang 11,626 na Family Food Packs sa mga munisipyong humingi ng tulong.

Nabigyan na rin nila ng tig P10,000 na burial assistance ang pamilya ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyo.

Maging ang mga pasarehong na-stranded sa mga pantalan ay nakatanggap din ng cash assistance mula sa DSWD na nagkakahalaga ng P2000 kada indibidwal at P3000-P4000 sa bawat pamilya.