Connect with us

Aklan News

Cashier sa isang establisyemento sa Kalibo na umano’y covid positive, hindi totoo – PHO

Published

on

fake news graphics

HINDI TOTOO ang kumakalat na balita sa social media na may isang cashier na nagtatrabaho sa isang establisyemento sa Kalibo na nagpositibo sa COVID-19 ayon sa Aklan Provincial Health Office (Aklan-PHO).

Sa ekslusibong panayam ng Radyo Todo kay Dr. Cornelio Cuachon ng Aklan Provincial Health Office, may kapatid na lalaking merchandiser ang nasabing kahera at iyon ang nagpositibo sa Rapid Antibody Test sa isang laboratoryo sa Kalibo.

Ang nasabing lalaki ay 29 anyos, asymptomatic at walang travel history mula sa mga lugar na apektado ng COVID.

Ipinaliwanag ni Cuachon na ang Rapid Antibody test ay inisyal screening lang ng COVID-19 pero ang kaya lang na idetect nito ay ang mga antibodies sa katawan ng tao.

Agad na isinailalim ang lalaki sa 14-day quarantine, sakaling magpakita ito ng anumang sintomas ng sakit ay kukunan siya ng RT-PCR test para sa makumpirma kung COVID-19 positive ba ito o hindi.

Base sa pinakahuling datos ng Aklan PHO nitong August 10, mayroon ng 25 kaso ng COVID-19 sa probinsiya kung saan 13 ang aktibong kaso, 11 ang nakarekober, at 1 ang namatay.