Connect with us

Aklan News

CCTV footage sa loob ng RD Pawnshop may ‘technical glitches’ – Plt. Ayon

Published

on

NAKITAAN ng technical glitches ang CCTV footage sa loob ng RD Pawnshop na makapagtuturo sana sa totoong salarin na pumaslang sa kanilang reliever manager na si Bona Ambay.

Sa isinagawang press conference ng Kalibo PNP nitong araw ng Martes, Hunyo 7, inihayag ni PLT. Aubrey Ayon na sa ngayon ay nagpapatuloy ang pag-troubleshoot ng mga IT experts ng RD pawnshop upang maging malinaw ang naturang CCTV footage.

“Pagbukas, may technical glitches, indi ta ma-view ro ruyon nga footage nanda. That is why nagpadaea sanda it andang IT. Sa makara ron hay on-going ro andang troubleshoot para mabuksan ro andang CCTV,” pahayag ni Ayon.

Saad pa ni PLT. Ayon, malaking tulong ang naturang CCTV footage dahil ito ang magsasabi kung ano ang naganap sa mismong loob ng pawnshop.

“Do aton malang abi sir nga mabahoe nga bulig, pag may aton nga CCTV footage, syempre makita gid-a naton whole duration nga nagakatabo sa sueod. Bilog nga picture kumbaga,makita naton idto”.

Gayunpaman, iginiit sa media ni Ayon na marami ang mga available evidence kung kaya’t hindi sila nawawalan ng pag-asa na maresolba ang kaso sa pagpatay sa 23-anyos na RD pawnshop manager.