Connect with us

Aklan News

Ceres bus sumalpok sa nakaparadang wing van, driver ng bus pansamantalang ikinustodiya ng Balete PNP

Published

on

Isinugod sa ospital ang 14 na pasahero ng ceres bus na sumalpok sa nakaparadang wing van sa kahabaan ng Brgy. Feleciano, Balete nitong Martes ng hapon.

Batay sa imbestigasyon ng Balete PNP, mula sa Iloilo ang bus na minamaneho ni Roberto Llarvez, 41, at papunta na sanang terminal sa Brgy. Estancia, Kalibo.

Ngunit pagdating sa nasabing lugar ay nag-overtake umano ang bus sa kasunod nitong 10-wheeler truck gamit ang outer lane.

Sinasabing, hindi napansin ng driver na may nakaparadang wing van sa unahan at aksidente itong nasalpok.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, basag ang wind shield ng bus at yupi ang harapan nito gayundin ang likod ng wing van.

Dinala sa ospital ang 14 na pasahero dahil sa mga tinamong galos at pananakit ng ulo pero 11 sa kanila ang out patient at 3 ang naka-confine.

Nagka-areglo naman ang panig ng Ceres liner company at ng wing van ngunit pansamantala munang ikinustudiya sa Balete Mps ang driver ng bus sa loob ng 15 oras.

Nangako dinn ang Ceres liner company na magbibigay sila ng tulong para sa mga na sangkot sa nasabing aksidente.